Singko

[ Go to bottom  |  Go to latest post  |  Subscribe to this topic  |  Latest posts first ]


Xeleath
Admin

46, male

  Captain

Moderator Administrator Bot Member

Posts: 12

Singko

from Xeleath on 06/18/2019 08:13 PM

Bagyo , dahil sa malakas na pag-ulan
pag-ulan dahil sa masamang panahon
masasabi rin na ito ay parang pagibig ko
sa dami ng sakit na nadama at hapdi ay manhid na

 

Limang parte , hahatiin at iwawaksi ang mga nangyari
sa pagibig ng dalawang tao na nagmamahalan dati
ako at ikaw. ikaw at ako. tungkol sa atin at para malaman nila
ito ang tula na ibibigay ko sayo kung tayo ay magkikita pa

Una , unang parte kung saan tayo nagkakilala
noong sawi ka pa at nag mumukmok sa sulok dahil sa kanya
duon ako umextra at binangon ka mula sa pagkalugmok
pilit binuhay ang pagibig at puso mo'y muling pinatibok

ikalawa, tinanggap mo ako at tinanggap din kita
tayo ay nangarap at ngangakong magiging masaya
hawak hawak ang ang iyong kamay , at ayaw ng bitawan
hindi sumagi sa isipan na ako ay iyong iiwanan

ngunit gumuho ang lahat ng ipinangako mo
tinangay ng bagyo at sa lakas ay parang dilubyo
tadhana ang umayaw sa ating pagsasama na wagas
kahit gusto kitang ilayo ay wala paring takas

manloloko!, at yun na ang pangatlo, naging tatlo tayo.
ikaw ay nagloko , sumama sa isang mukhang hindi tao
pinagpalit mo ako dahil wala akong kahit ano.
siya ay mapera , may bahay negosyo at oto

nagpakalayo layo ako , at pinilit kang kalimutan
pero kahit gano katagal ang puso'y ikaw parin ang laman
ang sakit at lungkot ay hindi na ata maiibsan pa
kaya pumunta ng ibang bansa para ibaling sa iba

ikaapat, ako ay naging matagumpay at bumalik sa bansa
nagtayo ng negosyo , ari-arian ,bahay at lupa
pero meron parin akong hinahanap na kulang sa pagkatao
yun ang taong magpapasaya saakin at magpapatibok sa puso ko

hinanap ka at nagbabakasakaling ikaw ay makikita ko
pumunta kung saan saan at nagtanong kani-kanino
may nakapagsabi sakin na tatlo na raw ang anak mo
ang asawa mo naman ay naging adik ng dahil sa bato

agad nagmadali , walang sinayang na oras
pinuntahan ka doon sa sinasabing bahay mo sa dasmariñas
tumambad saakin ang dalawa mong anak na payat
karga karga mo ang naiyak mong bunsong anak

Dito na papasok huli at pang lima
tinanong kung kamusta ka na ba?
ilang taon na ang lumipas, napakaganda mo parin
kahit hindi nakapagayos hindi nagbabago ikaw at ikaw parin

pilit mong tinatago ang lungkot at pagsisisi
hindi ko alam kung naiilang o sa sarili ay nandidiri
wala na ang dating mayaman na pinagpalit mo sakin dati
akala mo yun na ang forever mo , ngayon wala kang masabi

mahal na mahal parin kita kahit ano man ang nangyari
tatangapin kita pati mga anak mo kasali
magkakasama tayo at sabay bubuo ng pamilya
dati dalawa, tatlo ,apat ngayon ay lima 

eto ang kwento naming dalawa
nahati sa limang parte na buhay na madrama
kahit na maraming pinag daanan ng mga pagsubok at problema
Naging lima man ang dalawa , ang importante kasama ko siya

Bf/Gf dahil sa txt 2b5p9i

Bf/Gf dahil sa txt FiMuTBf/Gf dahil sa txt QJjLrBf/Gf dahil sa txt GcvG3Bf/Gf dahil sa txt PtHf1Bf/Gf dahil sa txt KC3p0

Welcome %Guest% Hope you enjoy :)

Reply

« Back to forum