Mother

[ Go to bottom  |  Go to latest post  |  Subscribe to this topic  |  Latest posts first ]


Xeleath
Admin

46, male

  Captain

Moderator Administrator Bot Member

Posts: 12

Mother

from Xeleath on 06/18/2019 08:03 PM

 

Mahal kamusta ka na ba?
Siguro busy ka at maraming problema
pero sana naman ay umuwi ka na
nananabik na akong makita at makasama ka

Kahit araw-araw mo akong saktan at alilain
gagawin ko ang lahat para lang ikay makapiling
Apat na anak natin, magiging lima na
wala na kaming makain, sana bumalik ka na

masaya ka na siguro dyan sa bago mong kasama
wala ka kasing paramdam , mag wawalong buwan na
Ano ba nagawa kong mali at ako ay iyong iniwan
ginawa ko naman lahat , ano ganon na lang?

Hinanap kita kasama ang mga anak mo
doon sa sinasabing dati mong trabaho
nalaman ko sa katrabaho mo ang masamang balita
sinaksak ka at binaril ng isang binata

ako ay naluha sabay ng aking pagkabigla
sabay ng lungkot na tingin sa mga anak mong naulila
Ina asan na po si ama? tanong ng bunso na si amanda
wala na siya anak, sumakabilang buhay na

Anak wag mo tutularan si ina ha.
umibig , naanakan at nagpakatanga
dahil sakin kaya tayo ngayo'y nagdurusa
kung bakit ba kasi ako nagpakamartir sa kanya

Hayaan mo mga anak kakayanin natin ito
magtratrabaho ako at bubuhayin ko kayo
kahit na wala na ang matino niyong ama
nandito parin ako, namamahal ang inyong ina

Bf/Gf dahil sa txt 2b5p9i

Bf/Gf dahil sa txt FiMuTBf/Gf dahil sa txt QJjLrBf/Gf dahil sa txt GcvG3Bf/Gf dahil sa txt PtHf1Bf/Gf dahil sa txt KC3p0

Welcome %Guest% Hope you enjoy :)

Reply

« Back to forum