Again/Muli
[ Go to bottom | Go to latest post | Subscribe to this topic | Latest posts first ]
Again/Muli
from Xeleath on 06/18/2019 07:55 PMAgain/Muli
Ano ba ang feeling na masaktan?
Madapa at magalusan ang tuhod?
Masampal sa mukha ng isang malapad na kamay?
Hindi mo nakain ang gusto mong pagkain?
o mas masaktan dahil Hindi kaya ibalik ang
pagmamahal na ibinigay mo.
Nuong March 16,2002 saktong 12:32 ng tanghali natatandaan mo pa?
Naka Maong kang pantalon na may tastas sa tuhod
kaparehas ay tshirt na may spongecola sa likod
Nakalugay ang buhok lalaki kung maglakad
lahat ng haharang ay tumitiklop agad
Nuon pa man ay. minahal na kita
ikaw lang nagparamdam sakin ng kakaibang kaba
walang tumutol lahat ay umaayon saiyo
isang ngiti mo lang ,kalas lahat ng buto ko
sabi ng Repa ang pagibig ko ay totoo
marapat lamang ialay sa taong gaya mo
Pagibig na kayang tumibag ng dambuhalang bato
Kasing tamis ng ubas , at bagong lutong taho
Pinaghandaan ang araw ng huling paghuhukom
sasabihin lahat-lahat,Dila'y wag sanang umurong
Dala ay rosas na pula at tsokolateng parisukat
pormang malupitan sa init ng tanghaling tapat
suot ay kupas na maong at tshirt ng my chemical
ikaw nalang kulang para meron ng ikasal
kumakabog ang dibdib sa paglapit saiyo
kasabay ng hiyawan ng lahat ng tiga apolinario
nanginginig na tuhod , nauutal na salita
pilit binibigkas. mga malalalim na kataga
mahal kita sagad mula puso hangang mukha
ikaw lang ang babaeng iibigin hangang tumanda
nabiglang reaksyon saakin tumambad
sabay ng pagsabi na tayo lang ay magkabrad
gusto kita pero hindi bilang jowa
kaibigan lang talaga at yun ay sapat na
lumabas ang tubig sabay ng pagkabigla
hindi alam ang gagawin sa tumatagas na luha
bumigat ang ulo , umikot ang paligid
kasabay ang sakit na umuusbong sa dibdib
nalanta na ang rosas, natunaw ang tsokolate
ganun pala feeling . wala akong masabe
dinurog mo ang puso ko to the max level na
hinalo mo sa sa adobo na pininong paminta
ilang araw ako hindi makakain, makatulog , makapaglaba
ano konek ng paglalaba? tang ina basta mahal kita!
sinayang mo ang pagmamahal na inalay ko
sinaksak mo,sinunog, pinakain sa aso
ang sakit sakit. sobra parang sasabog na
ganito pala kasakit pag hindi ka mahal ng mahal mo. tang ina.
lumipas ang taon. nakapagtapos na ako
ikaw parin ang iniisip , iniibig ng puso
gusto kitang makita. makausap , makibalita
kamusta ka na ba? meron ka na bang jowa?
ok lang kung meron, pero sana naman wala
umaasa parin ako na tayo ang tinadhana
Alumni HomeComing , imbitado ang lahat.
pero ang tapang ay hindi parin sapat
isa lang naman gusto ko , makita , makasama
ikaw lang ang babaeng aking sinisinta
Ma. Therese Ann M. Asuncion sana pumunta ka
kahit tropa lang , para sakin ok na
Gabi na ng ako ay nakapunta
maraming tao , mga dating kaeskwela
katropa,kagalit,pati teacher kong panget andun pa.
pero isa lang tao ang naiiba
isang babae na napakaganda at nakabestida pula
siya ang nilalang na hindi maganda kundi isang dyosa!
nagtagpo kami at muling nagkita
nag kita ulit tayo. lalo kang gumanda
kasunod ay tanong kung may jowa na ba sya
wala pa, ang tugon sabay palihim na tawa
buti naman . ako rin wala pa.
niyaya siyang sumayaw na parang reyna
tumigil ang mundo para sa aming dalawa
pero bilang may umextra.
dalawang lalaking bata, sabay tawag na ina.!
wala daw jowa un pala may asawa na
Ma. Therese Ann Asuncion SANTIAGO na pala
Olats nanaman , not once but twice pa!

Welcome %Guest% Hope you enjoy :)






Reply