Latest posts
First Page | « | 1 | 2
Search found 11 matches:
Titig
from Xeleath on 06/18/2019 07:48 PMTitig
Titig na mula sa maamo mong mata
na sa tuwina'y nagbibigay ng dahilan para magkaroon ng sigla
Mundo na dati ay walang sigla at tamis.
na puno ng maraming pagdududa at hinagpis.
Mula ng makita ka ang damit mong hindi nauuso
walang kang pake kahit walang magkagusto
hindi alintana ang magulong buhok na hindi pa nasuklay,
kasabay ng ganda ng boses sa malakas mong pagdighay
Hindi ko maibaling ang mata pag ikaw na ang katabi
Kwentuhang malala at foodtrip hangang gabi
tawa mong malakas ang nagsisilbing musika sa pandinig
No need na ang Soundtrip at mga humuhuning kuliglig
Haplos sa buhok mo and nagsisilbing tulay sa iyong isipan
Ngiting hindi maipapantay kahit kanino man
kahit alam ko na ito ay panandaliaan lamang
dahil sa puso mo , ako ay hindi ang siyang laman
Tumunog na ang Cellphone , ako ang nakabasa
kasabay ng lungkot sa mata at galit na nadama
kahit ipilit ang nais ay hindi na madurugtungan pa
alam kong kailangan mo ng umuwi, kasi mahal mo siya
masakit man isipin na eto ang katotohanan na
Parang kayo pero yung totoo kaibigan lang pala
Kahit pigilan ka , hindi ito maaari
alam ko naman natin na hindi kita pag aari
kaibigan lang talaga saakin ang iyong tingin
na kahit minsan , KAHIT MINSAN. hindi mo pwedeng mahalin
masaktan man ako at puso ang aking sundin
Sapat na, nandito lang ako , naghihintay na iyong gustuhin

Welcome %Guest% Hope you enjoy :)






Reply